Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nang nagpatikim Kami [sa mga tagapagtambal] sa mga tao ng isang awa matapos na ng isang kariwaraan na sumaling sa kanila, biglang mayroon silang isang pakana sa mga tanda Namin. Sabihin mo: “Si Allāh ay higit na mabilis sa pakana.” Tunay na ang mga [anghel na] sugo Namin ay nagsusulat ng anumang ipinakakana ninyo. (21)
Tafsīr
Nang nagpalasap Kami sa mga tagapagtambal ng isang biyaya ng ulan at katabaan ng lupa matapos ng isang tagtuyot at isang kahikahusang tumama sa kanila, biglang mayroon silang panunuya at pagpapasinungaling sa mga tanda Namin. Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Si Allāh ay higit na matulin sa panlalansi at higit na mabilis sa pagpapain sa inyo at sa pagpaparusa." Tunay na ang mga tagapag-ingat kabilang sa mga anghel ay nagsusulat ng anumang ipinapanukala ninyo na panlalansi. Walang nakalulusot sa kanila mula sa mga ito na anuman kaya papaanong makalulusot sila sa Tagapaglikha nila? Gaganti sa inyo si Allāh sa panlalansi ninyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: