Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 22)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 22

هُوَ الَّذِي يُسَيِّرُكُمْ فِي الْبَرِّ وَالْبَحْرِ ۖ حَتَّىٰ إِذَا كُنْتُمْ فِي الْفُلْكِ وَجَرَيْنَ بِهِمْ بِرِيحٍ طَيِّبَةٍ وَفَرِحُوا بِهَا جَاءَتْهَا رِيحٌ عَاصِفٌ وَجَاءَهُمُ الْمَوْجُ مِنْ كُلِّ مَكَانٍ وَظَنُّوا أَنَّهُمْ أُحِيطَ بِهِمْ ۙ دَعَوُا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ لَئِنْ أَنْجَيْتَنَا مِنْ هَٰذِهِ لَنَكُونَنَّ مِنَ الشَّاكِرِينَ 22 ٢٢

Siya ay ang nagpapalakbay sa inyo sa katihan at karagatan; hanggang sa nang kayo ay naging nasa mga sasakyang-dagat, naglayag ang mga ito kasama sa kanila sa pamamagitan ng isang hanging kaaya-aya, at natuwa sila rito ay may dumating sa mga ito na isang hanging umuunos, dumating sa kanila ang mga alon mula sa bawat pook, at nagpalagay sila na sila ay pinaligiran. Dumalangin sila kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon, [na nagsasabi]: “Talagang kung paliligtasin Mo kami mula rito, talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga tagapagpasalamat.” (22)

Tafsīr
Si Allāh ay ang nagpapahayo sa inyo, O mga tao, sa katihan gamit ang mga paa ninyo at gamit ang mga sasakyang hayop ninyo at ang nagpapahayo sa inyo sa karagatan sa mga sasakyang-dagat. Nang kayo ay nasa mga sasakyang-dagat sa karagatan at umusad ang mga ito lulan sila sa pamamagitan ng isang kaaya-ayang hangin, natuwa ang mga pasahero sa kaaya-ayang hanging iyon. Ngunit habang sila ay nasa pagkatuwa nila, dumating sa kanila ang isang hanging malakas ang pag-ihip at dumating sa kanila ang mga alon ng karagatan mula sa bawat dako. Nanaig sa pagpapalagay nila na sila ay mapapahamak. Dumalangin sila kay Allāh lamang at hindi sila nagtambal sa Kanya ng iba pa sa Kanya habang mga nagsasabi: "Talagang kung sasagipin Mo kami mula sa nakapagpapahamak na pagsubok na ito ay talagang kami nga ay magiging kabilang sa mga nagpapasalamat sa Iyo sa ibiniyaya Mo sa amin."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba