Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 2)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 2

أَكَانَ لِلنَّاسِ عَجَبًا أَنْ أَوْحَيْنَا إِلَىٰ رَجُلٍ مِنْهُمْ أَنْ أَنْذِرِ النَّاسَ وَبَشِّرِ الَّذِينَ آمَنُوا أَنَّ لَهُمْ قَدَمَ صِدْقٍ عِنْدَ رَبِّهِمْ ۗ قَالَ الْكَافِرُونَ إِنَّ هَٰذَا لَسَاحِرٌ مُبِينٌ 2 ٢

Ang mga tao ba ay may pagtataka na nagkasi Kami sa isang lalaki na kabilang sa kanila [na sinasabihan] na: “Magbabala ka sa mga tao at magbalita ka ng nakagagalak sa mga sumampalataya na ukol sa kanila ay isang pangunguna sa kalamangan sa ganang Panginoon nila?” Nagsabi ang mga tagatangging sumampalataya: “Tunay na ito ay talagang isang manggagaway na malinaw.” (2)

Tafsīr
Naging isang motibo ba para sa mga tao sa pagtataka-taka na nagpababa ng pagkakasi sa isang lalaking kabilang sa lahi nila habang nag-uutos sa kanya na magbigay-babala sa kanila laban sa pagdurusa mula kay Allāh? Magpabatid ka, O Sugo, sa mga sumampalataya kay Allāh ng magpapatuwa sa kanila, na ukol sa kanila ay antas na mataas bilang ganti sa ipinagpauna nila na gawang maayos sa ganang Panginoon nila – kaluwalhatian sa Kanya. Nagsabi naman ang mga tagatangging sumampalataya: "Tunay na itong lalaking naghatid ng mga talatang ito ay talagang isang manggagaway na hayag ang panggagaway."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba