Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Bagkus nagpasinungaling sila sa hindi sila nakapaligid sa kaalaman niyon at hindi pa pumunta sa kanila ang pagbibigay-pakahulugan niyon. Gayon nagpasinungaling ang mga bago pa nila. Kaya tumingin ka kung papaano naging ang kinahinatnan ng mga tagalabag sa katarungan. (39)
Tafsīr
Ngunit hindi sila sumagot, bagkus nagdali-dali sila sa pagpapasinungaling sa Qur'ān bago sila magpakaunawa nito at magbulay-bulay nito at bago mangyari ang ibinabala sa kanila na pagdurusa, na nalapit na ang pagpunta niyon. Tulad ng pagpapasinungaling na ito nagpasinungaling ang mga kalipunang nauna. Kaya bumaba sa mga iyon ang bumaba na pagdurusa. Kaya magnilay-nilay ka, O Sugo, kung naging papaano ang wakas ng mga kalipunang tagapasinungaling sapagkat nagpahamak sa kanila si Allāh.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: