Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tunay na ang Panginoon ninyo ay si Allāh na lumikha ng mga langit at lupa sa anim na araw. Pagkatapos lumuklok Siya sa Trono, na nangangasiwa sa kapakanan. Walang anumang tagapagpamagitan kundi matapos na ng pahintulot Niya. Iyon ay si Allāh, ang Panginoon ninyo, kaya sumamba kayo sa Kanya. Kaya hindi ba kayo nagsasaalaala? (3)
Tafsīr
Tunay na ang Panginoon ninyo, O mga nagtataka, ay si Allāh na lumikha ng mga langit, sa kabila ng kadambuhalaan ng mga ito, at ng lupa, sa kabila ng pagkalawak nito, sa anim na araw. Pagkatapos pumaitaas Siya at umangat Siya sa Trono. Kaya papaano kayong nagtataka sa pagsusugo Niya ng isang lalaking kabilang sa lahi ninyo? Siya lamang ay ang nagtatadhana at nagtatakda sa kaharian Niyang malawak. Hindi ukol sa isa na mamagitan sa Kanya sa anuman malibang matapos ng pahintulot Niya at pagkalugod Niya sa tagapamagitan. Ang nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay si Allāh, na Panginoon ninyo, kaya magpakawagas kayo sa Kanya sa pagsamba – tanging sa Kanya. Kaya hindi ba kayo napangangaralan sa pamamagitan ng mga patotoo at mga katwirang ito sa kaisahan Niya? Ang sinumang mayroong pinakamababang pagkapangaral ay nakaalam niyon at sumampalataya sa Kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: