Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Tungo sa Kanya ang babalikan ninyo nang lahatan, bilang pagpangako ni Allāh ng totoo. Tunay na Siya ay nagsisimula ng paglikha, pagkatapos mag-uulit nito upang gumanti sa mga sumampalataya at gumawa ng mga maayos ayon sa pagkamakatarungan. Ang mga tumangging sumampalataya, ukol sa kanila ay isang inumin mula sa nakapapasong tubig at isang pagdurusang masakit dahil dati silang tumatangging sumampalataya. (4)
Tafsīr
Tungo sa Kanya lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon upang gumanti Siya sa inyo sa mga gawa ninyo. Nangako si Allāh sa mga tao niyon ayon sa isang pangakong tapat na hindi Siya sisira roon. Tunay na Siya ay nakakakaya niyon. Nagsisimula Siya ng pagpapairal sa nilikha ayon sa walang naunang kahalintulad. Pagkatapos nag-uulit Siya nito matapos ng kamatayan nito. [Ito ay] upang gumanti Siya – kaluwalhatian sa Kanya – sa mga sumampalataya sa Kanya at gumawa ng mga gawang maayos ayon sa katarungan sapagkat hindi Siya nagbabawas mula sa mga magandang gawa nila at hindi Siya nagdaragdag sa mga masagwang gawa nila. Ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya ay magkakaroon ng isang inumin mula sa tubig na pinalabis-labis ang init na magpuputul-putol sa mga bituka nila, at magkakaroon ng isang pagdurusang nakasasakit dahilan sa kawalang-pananampalataya nila sa Kanya at sa mga sugo Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: