Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 64)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 64

لَهُمُ الْبُشْرَىٰ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا وَفِي الْآخِرَةِ ۚ لَا تَبْدِيلَ لِكَلِمَاتِ اللَّهِ ۚ ذَٰلِكَ هُوَ الْفَوْزُ الْعَظِيمُ 64 ٦٤

Ukol sa kanila ang balitang nakagagalak sa buhay sa Mundo at sa Kabilang-buhay. Walang pagpapalit sa mga salita ni Allāh. Iyon ay ang pagkatamong sukdulan. (64)

Tafsīr
Ukol sa kanila ang nakagagalak na balita mula sa Panginoon nila sa Mundo sa pamamagitan ng nagpapatuwa sa kanila dahil sa mabuting panaginip o pagbubunyi ng mga tao sa kanila. Ukol sa kanila ang nakagagalak na balita mula sa mga anghel sa sandali ng pagkuha sa mga kaluluwa nila, matapos ng kamatayan, at sa pagkalap [sa kanila sa Kabilang-buhay]. Walang pagpapaiba sa ipinangako sa kanila ni Allāh. Ang ganting iyon ay ang tagumpay na sukdulan dahil sa dulot nito na pagtamo ng hinihiling at kaligtasan sa pinangingilabutan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba