Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Bigkasin mo sa kanila ang balita kay Noe noong nagsabi siya sa mga tao niya: “O mga tao ko, kung bumigat sa inyo ang pananatili ko at ang pagpapaalaala ko ng mga tanda ni Allāh ay kay Allāh naman ako nanalig. Kaya pagpasyahan ninyo ang balak ninyo kasama ng mga pantambal ninyo. Pagkatapos ang balak ninyo ay huwag sa inyo maging malabo. Pagkatapos humusga kayo sa akin at huwag kayong magpalugit sa akin. (71)
Tafsīr
Magsalaysay ka, O Sugo, sa mga tagapagtambal na nagpapasinungaling na ito ng ulat kay Noe – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – nang nagsabi siya sa mga tao niya: "O mga tao ko, kung bumigat sa inyo ang pananatili ko sa gitna ninyo, humirap sa inyo ang pagpapaalaala ko sa mga tanda ni Allāh at ang pangangaral ko, at nagpasya kayo sa pagpatay sa akin ay kay Allāh naman ako sumasandig sa pagbigo sa anumang ipinapakana ninyo laban sa akin. Kaya humatol kayo ng balak ninyo, magpasya kayo sa pagpapahamak sa akin, at dumalangin kayo sa mga diyos ninyo upang magpatulong kayo sa mga ito. Pagkatapos ang pakana ninyo ay huwag maging lihim na malabo. Pagkatapos matapos ng pagpapanukala ninyo ng pagpatay sa akin ay magpatupad kayo sa akin ng kinikimkim ninyo at huwag kayong magpaliban sa akin ng isang saglit.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: