Surah Yūnus (Jonas — يونس) (Talata 90)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




10 Yūnus(يونس), Talata 90

وَجَاوَزْنَا بِبَنِي إِسْرَائِيلَ الْبَحْرَ فَأَتْبَعَهُمْ فِرْعَوْنُ وَجُنُودُهُ بَغْيًا وَعَدْوًا ۖ حَتَّىٰ إِذَا أَدْرَكَهُ الْغَرَقُ قَالَ آمَنْتُ أَنَّهُ لَا إِلَٰهَ إِلَّا الَّذِي آمَنَتْ بِهِ بَنُو إِسْرَائِيلَ وَأَنَا مِنَ الْمُسْلِمِينَ 90 ٩٠

Nagpalampas Kami sa mga anak ni Israel sa dagat saka sumunod sa kanila si Paraon at ang hukbo niya dala ng paglabag at pangangaway; hanggang sa nang umabot sa kanya ang pagkalunod ay nagsabi siya: “Sumampalataya ako na walang Diyos kundi ang sinampalatayanan ng mga anak ni Israel, at ako ay kabilang sa mga Muslim.” (90)

Tafsīr
Nagpadali Kami para sa mga anak ni Israel ng pagtawid sa dagat matapos ng pagkabiyak nito hanggang sa nakalampas sila roon na mga ligtas ngunit humabol sa kanila si Paraon at ang hukbo niya dala ng paglabag sa katarungan at pangangaway. Hanggang sa nang sumaklob sa kanya ang dagat, humantong sa kanya ang pagkalunod, at nawalan siya ng pag-asa sa pagkakaligtas ay nagsabi siya: "Sumampalataya ako na walang sinasamba ayon sa karapatan kundi ang sinampalatayanan ng mga anak ni Israel, at ako ay kabilang sa mga nagpapaakay kay Allāh sa pagtalima."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba