Surah Al-‘Ādiyāt (Ang mga Rumaragasa) — سُورَةُ العاديات
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
وَالْعَادِيَاتِ ضَبْحًا i
Sumpa man sa mga [kabayong] tumatakbo habang humihingal, (1)
فَالْمُورِيَاتِ قَدْحًا i
saka sa mga nagpapaningas habang nakikiskis [ang mga kuko], (2)
فَالْمُغِيرَاتِ صُبْحًا i
saka mga nanlulusob sa madaling-araw, (3)
فَأَثَرْنَ بِهِ نَقْعًا i
saka bumulabog ang mga ito sa pamamagitan nito ng mga alikabok, (4)
فَوَسَطْنَ بِهِ جَمْعًا i
saka pumagitna ang mga ito dahil dito sa isang pagtitipon [ng mga kaaway]; (5)
إِنَّ الْإِنْسَانَ لِرَبِّهِ لَكَنُودٌ i
tunay na ang tao, sa Panginoon niya, ay talagang isang mapagkaila. (6)
وَإِنَّهُ عَلَىٰ ذَٰلِكَ لَشَهِيدٌ i
Tunay na siya roon ay talagang isang saksi. (7)
وَإِنَّهُ لِحُبِّ الْخَيْرِ لَشَدِيدٌ i
Tunay na siya, sa pag-ibig sa kayamanan, ay talagang matindi. (8)
أَفَلَا يَعْلَمُ إِذَا بُعْثِرَ مَا فِي الْقُبُورِ i
Kaya hindi ba siya nakaaalam kapag hinalukay ang nasa mga puntod (9)
وَحُصِّلَ مَا فِي الصُّدُورِ i
at itinanghal ang nasa mga dibdib, (10)
إِنَّ رَبَّهُمْ بِهِمْ يَوْمَئِذٍ لَخَبِيرٌ i
tunay na ang Panginoon nila sa kanila, sa Araw na iyon, ay talagang Mapagbatid. (11)