Surah At-Takāthur (Ang Pagpaparami) — سُورَةُ التكاثر
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
أَلْهَاكُمُ التَّكَاثُرُ i
Nagpalibang sa inyo ang [makamundong] pagpaparamihan (1)
حَتَّىٰ زُرْتُمُ الْمَقَابِرَ i
hanggang sa dumalaw kayo sa mga pinaglilibingan. (2)
كَلَّا سَوْفَ تَعْلَمُونَ i
Aba’y hindi! Malalaman ninyo. (3)
ثُمَّ كَلَّا سَوْفَ تَعْلَمُونَ i
Pagkatapos, aba’y hindi! Malalaman ninyo. (4)
كَلَّا لَوْ تَعْلَمُونَ عِلْمَ الْيَقِينِ i
Aba’y hindi! Kung sakaling nalalaman ninyo nang may kaalaman ng katiyakan, (5)
لَتَرَوُنَّ الْجَحِيمَ i
talagang makikita nga ninyo ang Impiyerno. (6)
ثُمَّ لَتَرَوُنَّهَا عَيْنَ الْيَقِينِ i
Pagkatapos talagang makikita nga ninyo iyon nang may mata ng katiyakan. (7)
ثُمَّ لَتُسْأَلُنَّ يَوْمَئِذٍ عَنِ النَّعِيمِ i
Pagkatapos talagang tatanungin nga kayo sa Araw na iyon tungkol sa kaginhawahan [na ipinatamasa Niya sa inyo]. (8)