Surah Al-Humazah (Ang Mapanira) — سُورَةُ الهمزة
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
وَيْلٌ لِكُلِّ هُمَزَةٍ لُمَزَةٍ i
Kapighatian ay ukol sa bawat palalibak na mapanirang-puri, (1)
الَّذِي جَمَعَ مَالًا وَعَدَّدَهُ i
na nag-ipon ng yaman at bumilang-bilang nito, (2)
يَحْسَبُ أَنَّ مَالَهُ أَخْلَدَهُ i
habang nag-aakala na ang yaman niya ay magpapanatili sa kanya. (3)
كَلَّا ۖ لَيُنْبَذَنَّ فِي الْحُطَمَةِ i
Aba’y hindi! Talagang ihahagis nga siya sa Mapangwasak. (4)
وَمَا أَدْرَاكَ مَا الْحُطَمَةُ i
Ano ang nagpabatid sa iyo kung ano ang Mapangwasak? (5)
نَارُ اللَّهِ الْمُوقَدَةُ i
[Ito ay] ang Apoy ni Allāh, na ginagatungan, (6)
الَّتِي تَطَّلِعُ عَلَى الْأَفْئِدَةِ i
na nanunuot sa mga puso. (7)
إِنَّهَا عَلَيْهِمْ مُؤْصَدَةٌ i
Tunay na [Impiyernong] ito sa kanila ay itataklob (8)
فِي عَمَدٍ مُمَدَّدَةٍ i
sa mga haliging binanat. (9)