Surah Al-Fīl (Ang Elepante) — سُورَةُ الفيل
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
أَلَمْ تَرَ كَيْفَ فَعَلَ رَبُّكَ بِأَصْحَابِ الْفِيلِ i
Hindi mo ba napag-alaman kung papaano ang ginawa ng Panginoon mo sa mga kasamahan ng elepante? (1)
أَلَمْ يَجْعَلْ كَيْدَهُمْ فِي تَضْلِيلٍ i
Hindi ba Siya gumawa sa panlalansi nila [para wasakin ang Ka`bah, na mauwi] sa isang pagkawala? (2)
وَأَرْسَلَ عَلَيْهِمْ طَيْرًا أَبَابِيلَ i
Nagsugo Siya sa kanila ng mga ibon na kawan-kawan, (3)
تَرْمِيهِمْ بِحِجَارَةٍ مِنْ سِجِّيلٍ i
na nagpupukol sa kanila ng mga batong mula sa luwad na nanigas. (4)
فَجَعَلَهُمْ كَعَصْفٍ مَأْكُولٍ i
Kaya gumawa Siya sa kanila gaya ng uhay na kinainan. (5)