Surah Al-Kāfirūn (Ang mga Di-naniniwala) — سُورَةُ الكافرون
3 iba pang pangalan ⧉
بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَٰنِ الرَّحِيمِ
iSa ngalan ni Allah, ang Pinakamaawain, ang Pinakamahabagin.
قُلْ يَا أَيُّهَا الْكَافِرُونَ i
Sabihin mo: “O mga tagatangging sumampalataya [kay Allāh], (1)
لَا أَعْبُدُ مَا تَعْبُدُونَ i
hindi ako sumasamba sa sinasamba ninyo [na mga diyus-diyusan], (2)
وَلَا أَنْتُمْ عَابِدُونَ مَا أَعْبُدُ i
ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko [na si Allāh]; (3)
وَلَا أَنَا عَابِدٌ مَا عَبَدْتُمْ i
ni ako ay sasamba sa sinamba ninyo [na mga diyus-diyusan], (4)
وَلَا أَنْتُمْ عَابِدُونَ مَا أَعْبُدُ i
ni kayo ay mga sasamba sa sinasamba ko [na si Allāh lamang]. (5)
لَكُمْ دِينُكُمْ وَلِيَ دِينِ i
Ukol sa inyo ang relihiyon ninyo at ukol sa akin ang relihiyon ko.” (6)