Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 101)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 101

وَمَا ظَلَمْنَاهُمْ وَلَٰكِنْ ظَلَمُوا أَنْفُسَهُمْ ۖ فَمَا أَغْنَتْ عَنْهُمْ آلِهَتُهُمُ الَّتِي يَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ مِنْ شَيْءٍ لَمَّا جَاءَ أَمْرُ رَبِّكَ ۖ وَمَا زَادُوهُمْ غَيْرَ تَتْبِيبٍ 101 ١٠١

Hindi lumabag sa katarungan sa kanila subalit lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila saka walang naidulot sa kanila na anuman ang mga diyos na dinadalanginan nila bukod pa kay Allāh noong dumating ang pasya ng Panginoon mo. Walang naidagdag ang mga ito sa kanila na iba pa sa pagpapahamak. (101)

Tafsīr
Hindi lumabag sa katarungan sa kanila dahil sa pinatama sa kanila na kapahamakan, subalit lumabag sila sa katarungan sa mga sarili nila sa pamamagitan ng paghahatid sa mga ito sa mga hatiran ng kapahamakan dahil sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh. Saka ang mga diyos na dati nilang sinasamba bukod pa kay Allāh ay hindi nakapagtulak palayo sa kanila ng bumaba sa kanila na pagdurusa noong dumating ang utos ng Panginoon mo, O Sugo, ng pagpapahamak sa kanila. Walang naidagdag sa kanila ang mga diyos nilang ito kundi isang pagkalugi at isang kapahamakan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba