Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 116)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 116

فَلَوْلَا كَانَ مِنَ الْقُرُونِ مِنْ قَبْلِكُمْ أُولُو بَقِيَّةٍ يَنْهَوْنَ عَنِ الْفَسَادِ فِي الْأَرْضِ إِلَّا قَلِيلًا مِمَّنْ أَنْجَيْنَا مِنْهُمْ ۗ وَاتَّبَعَ الَّذِينَ ظَلَمُوا مَا أُتْرِفُوا فِيهِ وَكَانُوا مُجْرِمِينَ 116 ١١٦

Kaya bakit kasi hindi nagkaroon mula sa mga [pinagdusang] salinlahi bago pa ninyo ng mga may tirang [kabutihang] sumasaway sa kaguluhan sa lupa, maliban sa kaunti kabilang sa pinaligtas Namin kabilang sa kanila? Sumunod ang mga lumabag sa katarungan sa ipinariwasa sa kanila roon, at sila ay naging mga salarin. (116)

Tafsīr
Kaya bakit kaya hindi nagkaroon mula sa mga kalipunang nagpapasinungaling bago pa ninyo ng tira mula sa mga may kainaman at kaayusan, na sumasaway sa mga kalipunang iyon sa kawalang-pananampalataya at sa kaguluhan sa lupa sa dahil sa mga pagsuway? Hindi mula sa kanila ang tirang iyon, maliban sa kaunti kabilang sa kanila na sumasaway noon sa katiwalian kaya pinaligtas Namin sila nang nagpahamak Kami sa mga tao nilang mga tagalabag sa katarungan. Sumunod ang mga tagalabag sa katarungan kabilang sa mga tao nila sa taglay nila na kaginhawahan. Sila ay naging mga tagalabag sa katarungan dahil sa pagsunod nila roon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba