Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O nagsasabi ba sila na ginawa-gawa niya ito? Sabihin mo: “Kaya maglahad kayo ng sampung kabanata [ng Qur’ān] kabilang sa tulad nito na mga ginawa-gawa at tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyo bukod pa kay Allāh [para tumulong sa inyo] kung kayo ay mga tapat.” (13)
Tafsīr
Bagkus nagsasabi ba ang mga tagapagtambal: "Lumikha-likha si Muḥammad ng Qur'ān at hindi ito isang kasi mula kay Allāh?" Sabihin mo, O Sugo, habang naghahamon sa kanila: "Kaya maglahad kayo ng sampung nilikha-likhang kabanata tulad ng Qur'ān na ito, na hindi kayo naoobliga sa mga ito ng katapatan tulad ng Qur'ān na inaakala ninyo na ito ay nilikha-likha. Tumawag kayo ng sinumang nakaya ninyong tawagin upang magpatulong kayo rito para roon kung kayo ay mga tapat sa pag-aangkin na ang Qur'ān ay nilikha-likha."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: