Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kaya ba ang nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon niya [ay tulad ng nabanggit]? Sumusunod dito ang isang tagasaksi mula sa Kanya at, bago pa nito, ang kasulatan ni Moises bilang pinuno at bilang awa. Ang mga iyon ay sumasampalataya rito. Ang sinumang tumangging sumampalataya rito [sa Qur’ān] kabilang sa mga lapian, ang Apoy ay ipinangako sa kanya. Kaya huwag kang maging nasa isang pag-aalangan dito [sa Qur’ān]. Tunay na ito ay ang katotohanan mula sa Panginoon mo, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya. (17)
Tafsīr
Hindi nagkakapantay [iyon at] si Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – na may kasama sa kanyang isang patotoo mula sa Panginoon niya – pagkataas-taas Siya. Sumusunod sa kanya ang isang tagasaksi mula sa Panginoon niya, na si Anghel Gabriel, at sumasaksi sa kanya bago pa man sa pagkapropeta niya ang Torah na pinababa kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang huwaran ng mga tao at bilang awa sa kanila. Siya at ang sinumang sumampalataya kasama sa kanya ay hindi nakapapantay ng mga tagatangging sumampalatayang iyan na mga nag-aapuhap sa pagkaligaw. Ang mga iyon ay sumasampalataya kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at sa Qur'ān na pinababa sa kanya. Ang sinumang tumangging sumampalataya sa kanya kabilang sa mga tagasunod ng mga kapaniwalaan, ang Apoy ay ipinangako rito sa Araw ng Pagbangon. Kaya ikaw, O Sugo, ay huwag maging nasa isang pag-aalinlangan sa Qur'ān at sa ipinangako sa kanila sapagkat ito ang katotohanang walang pagdududa hinggil dito, subalit ang higit na marami sa mga tao ay hindi sumasampalataya sa kabila ng pagkakatigan ng mga patunay na maliwanag at mga patotoong hayag.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: