Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga iyon ay hindi mga makalulusot sa lupa at hindi sila nagkaroon bukod pa kay Allāh ng mga katangkilik. Pag-iibayuhin para sa kanila ang pagdurusa. Hindi sila dati nakakakaya ng pagdinig [sa katotohanan] at hindi sila dati nakakikita. (20)
Tafsīr
Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang iyon ay hindi naging mga nakakakaya sa pagtakas sa lupa mula sa pagdurusa mula kay Allāh kapag bumaba ito sa kanila at hindi sila nagkaroon ng mga kakampi at mga tagatulong bukod pa kay Allāh na tutulak sa parusa Niya palayo sa kanila. Daragdagan sa kanila ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon dahilan sa paglihis nila ng mga sarili nila at paglihis nila ng iba pa sa kanila palayo sa landas ni Allāh. Hindi sila dati sa Mundo nakakakaya ng pagdinig sa katotohanan at patnubay at ayon sa pagdinig ng pagtanggap. Hindi sila dati nakakikita sa mga tanda ni Allāh sa Sansinukob ayon sa pagkakitang nagdudulot ng mahihita sa kanila dahil sa matinding pag-ayaw nila sa katotohanan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: