Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 37)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 37

وَاصْنَعِ الْفُلْكَ بِأَعْيُنِنَا وَوَحْيِنَا وَلَا تُخَاطِبْنِي فِي الَّذِينَ ظَلَمُوا ۚ إِنَّهُمْ مُغْرَقُونَ 37 ٣٧

Yumari ka ng daong sa pamamagitan ng mga mata Namin at pagkasi Namin. Huwag kang makipag-usap sa Akin hinggil sa mga lumabag sa katarungan [dahil sa kawalang-pananampalataya]; tunay na sila ay mga malulunod.” (37)

Tafsīr
Yumari ka ng arko sa pamamagitan ng pagtingin mula sa Amin na naiingatan mula sa Amin at sa pamamagitan ng pagkasi Namin sa pagtuturo sa iyo kung papaano kang yayari nito. Huwag kang makipag-usap sa Akin, na humihiling ng pagpapalugit sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa kawalang-pananampalataya; tunay na sila ay mga malulunod – walang pasubali – sa gunaw bilang parusa sa kanila dahil sa pagpupumilit nila sa kawalang-pananampalataya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba