Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sinabi: “O lupa, lulunin mo ang tubig mo; o langit, pigilin mo [ang ulan].” Pinahupa ang tubig, natapos ang pasya, at lumuklok ito sa ibabaw ng [bundok ng] Jūdīy. Sinabi: “Kalayuan [sa awa] ay ukol sa mga taong tagalabag sa katarungan.” (44)
Tafsīr
Nagsabi si Allāh sa lupa matapos ng pagwawakas ng gunaw: "O lupa, inumin mo ang nasa ibabaw mo na tubig ng gunaw." Nagsabi Siya sa langit: "O langit, pigilin mo at huwag mong ipadala ang ulan." Nabawasan ang tubig hanggang sa natuyo ang lupa. Nagpahamak si Allāh sa mga tagatangging sumampalataya. Huminto ang arko sa ibabaw ng bundok ng Jūdīy. Sinabi: "Kalayuan sa awa at kapahamakan ay ukol sa mga taong lumalampas sa mga hangganan ni Allāh sa kawalang-pananampalataya."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: