Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 50)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 50

وَإِلَىٰ عَادٍ أَخَاهُمْ هُودًا ۚ قَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ مَا لَكُمْ مِنْ إِلَٰهٍ غَيْرُهُ ۖ إِنْ أَنْتُمْ إِلَّا مُفْتَرُونَ 50 ٥٠

[Nagsugo sa liping] `Ād ng kapatid nilang si Hūd. Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh; walang ukol sa inyo na anumang Diyos na iba pa sa Kanya. Walang iba kayo kundi mga gumagawa-gawa [ng kasinungalingan.]” (50)

Tafsīr
Nagsugo Kami sa [liping] `Ād ng kapatid nilang si Hūd – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan. Nagsabi siya sa kanila: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh lamang at huwag kayong magtambal kasama sa Kanya ng isa man; walang ukol sa inyo na isang sinasamba ayon sa karapatan na iba pa sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya. Walang iba kayo sa pag-aangkin ninyo na mayroon Siyang katambal kundi mga sinungaling."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba