Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 63)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 63

قَالَ يَا قَوْمِ أَرَأَيْتُمْ إِنْ كُنْتُ عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّي وَآتَانِي مِنْهُ رَحْمَةً فَمَنْ يَنْصُرُنِي مِنَ اللَّهِ إِنْ عَصَيْتُهُ ۖ فَمَا تَزِيدُونَنِي غَيْرَ تَخْسِيرٍ 63 ٦٣

Nagsabi siya: “O mga kalipi ko, nagsaalang-alang ba kayo kung ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin mula sa Kanya ng isang awa? Kaya sino ang mag-aadya sa akin laban kay Allāh kung sumuway ako sa Kanya? Kaya hindi kayo nakadaragdag sa akin ng iba pa sa isang pagpapalugi. (63)

Tafsīr
Nagsabi si Ṣāliḥ bilang pagtugon sa mga kalipi niya: "O mga kalipi ko, magpabatid kayo sa akin. Kung ako ay nasa isang katwirang maliwanag mula sa Panginoon ko at nagbigay Siya sa akin mula sa Kanya ng isang awa, ang pagkapropeta, sino ang magsasanggalang sa akin laban sa parusa Niya kung ako ay sumuway sa Kanya sa pamamagitan ng pag-iwan sa pagpapaabot ng ipinag-utos Niya sa akin na ipaabot sa inyo? Kaya hindi kayo nakadaragdag sa akin ng iba pa sa isang pagliligaw at isang pagkalayo sa pagkalugod Niya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba