Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 66)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 66

فَلَمَّا جَاءَ أَمْرُنَا نَجَّيْنَا صَالِحًا وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ بِرَحْمَةٍ مِنَّا وَمِنْ خِزْيِ يَوْمِئِذٍ ۗ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ الْقَوِيُّ الْعَزِيزُ 66 ٦٦

Kaya noong dumating ang utos Namin ay nagligtas Kami kay Ṣāliḥ at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin at [nagligtas Kami] mula sa kahihiyan sa araw na iyon. Tunay na ang Panginoon mo ay ang Malakas, ang Makapangyarihan. (66)

Tafsīr
Kaya noong dumating ang utos Namin ng pagpapahamak sa kanila, pinaligtas Namin si Ṣāliḥ at ang mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin at pinaligtas Namin sila mula sa pagkahamak sa araw na iyon at sa kaabahan niyon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay ang Malakas, ang Makapangyarihan na walang nakikipanaig sa Kanya na isa man. Dahil doon, nagpahamak Siya sa mga kalipunang nagpapasinungaling.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba