Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 86)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 86

بَقِيَّتُ اللَّهِ خَيْرٌ لَكُمْ إِنْ كُنْتُمْ مُؤْمِنِينَ ۚ وَمَا أَنَا عَلَيْكُمْ بِحَفِيظٍ 86 ٨٦

Ang tira ni All̄āh ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay mga mananampalataya. Ako sa inyo ay hindi isang mapag-ingat.” (86)

Tafsīr
Ang tira ni Allāh na itinira Niya para sa inyo mula sa ipinahihintulot matapos ng pagtupad sa mga karapatan ng mga tao ayon sa katarungan ay higit sa pakinabang at pagpapala kaysa sa karagdagang natatamo sa pamamagitan ng pang-uumit at panggugulo sa lupa, kung kayo ay totohanang mga mananampalataya. Kaya malugod kayo sa tirang iyon. Ako sa inyo ay hindi isang mapagmasid na bumibilang sa mga gawa ninyo at nagtutuos sa inyo sa mga ito. Ang Mapagmasid lamang doon ay ang nakaaalam sa lihim at hayag.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba