Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 87)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 87

قَالُوا يَا شُعَيْبُ أَصَلَاتُكَ تَأْمُرُكَ أَنْ نَتْرُكَ مَا يَعْبُدُ آبَاؤُنَا أَوْ أَنْ نَفْعَلَ فِي أَمْوَالِنَا مَا نَشَاءُ ۖ إِنَّكَ لَأَنْتَ الْحَلِيمُ الرَّشِيدُ 87 ٨٧

Nagsabi sila: “O Shu`ayb, ang dasal mo ba ay nag-uutos sa iyo na mag-iwan kami sa sinasamba ng mga ninuno namin at [na tumigil kami] na gumawa sa mga yaman namin ng niloloob namin? Tunay na ikaw ay talagang ikaw ang matimpiin, ang matino.” (87)

Tafsīr
Nagsabi ang mga kalipi ni Shu`ayb kay Shu`ayb: "O Shu`ayb, ang dasal mo ba na idinadasal kay Allāh ay nag-uutos sa iyo na mag-iwan kami sa pagsamba sa sinasamba noon ng mga ninuno namin na mga anito, at nag-uutos sa iyo na mag-iwan kami sa paggawa sa mga yaman namin ng ayon sa niloloob namin at magpalago sa mga ito ng ayon sa niloloob namin? Tunay na ikaw ay talagang ikaw ang matimpiin, ang matino sapagkat ikaw ay ang nakapag-uunawa, ang marunong gaya ng pagkakilala namin sa iyo bago ng paanyayang ito. Ano ang dumapo sa iyo?"

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba