Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Talagang kung nag-antala Kami sa kanila ng pagdurusa hanggang sa isang yugtong nabibilang ay talagang magsasabi nga sila: “Ano ang pumipigil dito?” Pansinin, sa araw na darating ito sa kanila ay hindi ito maililihis palayo sa kanila at papaligid sa kanila ang dati nilang kinukutya. (8)
Tafsīr
Talagang kung nag-antala Kami sa mga tagapagtambal ng nagiging karapat-dapat sa kanila na pagdurusa sa buhay na pangmundo hanggang sa isang yugto ng mga araw na nabibilang ay talagang magsasabi nga sila habang mga nagmamadali sa kanya habang mga nangungutya: "Aling bagay ang pumipigil ng pagdurusa sa amin?" Pakatandaan, tunay na ang pagdurusang nagiging karapat-dapat sila ay may yugto sa ganang kay Allāh. Sa araw na darating ito sa kanila ay hindi sila makatatagpo ng isang tagalihis na maglilihis nito palayo sa kanila, bagkus magaganap ito sa kanila at papaligid sa kanila ang pagdurusang dati nilang minamadali bilang pangungutya at panunuya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: