Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 93)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 93

وَيَا قَوْمِ اعْمَلُوا عَلَىٰ مَكَانَتِكُمْ إِنِّي عَامِلٌ ۖ سَوْفَ تَعْلَمُونَ مَنْ يَأْتِيهِ عَذَابٌ يُخْزِيهِ وَمَنْ هُوَ كَاذِبٌ ۖ وَارْتَقِبُوا إِنِّي مَعَكُمْ رَقِيبٌ 93 ٩٣

O mga kalipi ko, gumawa kayo ayon sa kalagayan ninyo. Tunay na ako ay gumagawa. Makaaalam kayo sa kung sino ang pupuntahan ng isang pagdurusang magpapahiya sa kanya at kung sino ang siyang sinungaling. Magmasid-masid kayo; tunay na ako kasama sa inyo ay mapagmasid [sa itatadhana ni Allāh].” (93)

Tafsīr
O mga kalipi ko, gumawa kayo ayon sa nakakaya ninyo ayon sa paraan ninyo na kinalugdan ninyo; tunay na ako ay gumagawa ayon sa paraan ko na kinalugdan ko ayon sa nakakaya ko. Malalaman ninyo kung sino sa atin ang pupuntahan ng isang pagdurusang mang-aaba sa kanya bilang parusa para sa kanya at kung sino sa atin ang siyang sinungaling sa inaangkin niya. Kaya maghintay kayo sa itatadhana ni Allāh; tunay na ako kasama sa inyo ay naghihintay."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba