Surah Hūd (Hud — هود) (Talata 94)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




11 Hūd(هود), Talata 94

وَلَمَّا جَاءَ أَمْرُنَا نَجَّيْنَا شُعَيْبًا وَالَّذِينَ آمَنُوا مَعَهُ بِرَحْمَةٍ مِنَّا وَأَخَذَتِ الَّذِينَ ظَلَمُوا الصَّيْحَةُ فَأَصْبَحُوا فِي دِيَارِهِمْ جَاثِمِينَ 94 ٩٤

Noong dumating ang utos Namin ay nagligtas Kami kay Shu`ayb at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin. Dumaklot sa mga lumabag sa katarungan ang hiyaw saka sila, sa mga tahanan nila, ay naging mga [patay na] nakasubsob. (94)

Tafsīr
Noong dumating ang utos Namin ng pagpapahamak sa mga kalipi ni Shu`ayb ay sumagip Kami kay Shu`ayb at sa mga sumampalataya kasama sa kanya sa pamamagitan ng isang awa mula sa Amin. Tinamaan ang mga lumabag sa katarungan kabilang sa mga kalipi niya ng isang matinding nagpapahamak na tunog kaya namatay sila. Sila ay naging mga nakahandusay sa mga mukha nila. Kumapit nga ang mga mukha nila sa alabok.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba