Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 23)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 23

وَرَاوَدَتْهُ الَّتِي هُوَ فِي بَيْتِهَا عَنْ نَفْسِهِ وَغَلَّقَتِ الْأَبْوَابَ وَقَالَتْ هَيْتَ لَكَ ۚ قَالَ مَعَاذَ اللَّهِ ۖ إِنَّهُ رَبِّي أَحْسَنَ مَثْوَايَ ۖ إِنَّهُ لَا يُفْلِحُ الظَّالِمُونَ 23 ٢٣

Nagtangkang umakit sa kanya sa sarili niya ang [babaing] siya ay nasa bahay nito. Pinagsasara nito ang mga pinto at sinabi: “Heto ako para sa iyo!” Nagsabi siya: “Pagpapakupkop kay Allāh! Tunay na siya ay panginoon ko; gumawa siya ng maganda sa panunuluyan ko. Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan.” (23)

Tafsīr
Hiniling ng maybahay ng Makapangyarihan nang may lumanay at paggamit ng panggugulang kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – na gumawa ng mahalay. Nagsara ito ng mga pinto bilang pagpapasidhi sa pagsasarilinan at nagsabi ito sa kanya: "Pumarito ka at halika ka sa akin!" Kaya nagsabi si Jose: "Nagpapasanggalang ako kay Allāh laban sa pag-anyaya mo sa akin! Tunay na ang amo ko ay gumawa ng maganda sa akin sa pagpapanatili sa akin sa piling niya kaya hindi ako magtataksil sa kanya sapagkat kung nagtaksil ako sa kanya, ako ay magiging isang tagalabag sa katarungan. Tunay na hindi nagtatamo ang mga tagalabag sa katarungan."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba