Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 30)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 30

وَقَالَ نِسْوَةٌ فِي الْمَدِينَةِ امْرَأَتُ الْعَزِيزِ تُرَاوِدُ فَتَاهَا عَنْ نَفْسِهِ ۖ قَدْ شَغَفَهَا حُبًّا ۖ إِنَّا لَنَرَاهَا فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ 30 ٣٠

May nagsabing mga babae sa lungsod: “Ang maybahay ng Makapangyarihan ay nagtatangkang umakit sa binatang alipin niya sa sarili nito; nagpahumaling ito sa kanya sa pag-ibig. Tunay na kami ay nagtuturing sa kanya na nasa isang pagkaligaw na malinaw.” (30)

Tafsīr
Lumaganap ang ulat hinggil sa kanya sa lungsod at may nagsabing isang pangkatin ng mga babae bilang pagmamasama: "Ang maybahay ng Makapangyarihan ay nag-anyaya ng alipin niya para sa sarili niya. Umabot ang pag-ibig doon sa pagkahumaling ng puso niya. Tunay na kami ay talagang nagtuturing sa kanya – dahilan sa pagtatangka niyang mang-akit doon at sa pag-ibig niya roon gayong iyon ay alipin niya – na nasa isang pagkaligaw na maliwanag."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba