Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi ang naligtas mula sa dalawang [bilanggo] sa kanila at nakapagsaalaala [kay Jose] matapos ng isang yugto: “Ako ay magbabalita sa inyo hinggil sa pagpapakahulugan nito, kaya magsugo kayo sa akin [kay Jose].” (45)
Tafsīr
Nagsabi ang tagapagpainom na naligtas mula sa dalawang binatang bilanggo, at nakaalaala kay Jose – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – at sa taglay niya na kaalaman sa pagpapakahulugan sa panaginip, matapos ng isang yugto: "Ako ay magpapabatid sa inyo hinggil sa pagpapakahulugan sa napanaginipan ng hari matapos ng pagtatanong sa may kaalaman sa pagpapakahulugan nito. Kaya magpadala ka sa akin, O hari, kay Jose upang magpakahulugan siya sa panaginip mo."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: