Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 50)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 50

وَقَالَ الْمَلِكُ ائْتُونِي بِهِ ۖ فَلَمَّا جَاءَهُ الرَّسُولُ قَالَ ارْجِعْ إِلَىٰ رَبِّكَ فَاسْأَلْهُ مَا بَالُ النِّسْوَةِ اللَّاتِي قَطَّعْنَ أَيْدِيَهُنَّ ۚ إِنَّ رَبِّي بِكَيْدِهِنَّ عَلِيمٌ 50 ٥٠

Nagsabi ang Hari: “Dalhin ninyo siya sa akin.” Ngunit noong dumating sa kanya ang sugo ay nagsabi siya: “Bumalik ka tungo sa panginoon mo at tanungin mo siya kung ano ang lagay ng mga babae na humiwa-hiwa ng mga kamay nila. Tunay na ang Panginoon ko, sa panlalansi nila, ay Maalam.” (50)

Tafsīr
Nagsabi ang Hari sa mga tagatulong nito noong umabot dito ang paghahayag ni Jose sa panaginip nito: "Palabasin ninyo siya mula sa bilangguan at dalhin ninyo siya sa akin." Ngunit noong dumating kay Jose ang sugo ng hari ay nagsabi siya rito: "Bumalik ka tungo sa amo mong hari saka tanungin mo siya tungkol sa kasaysayan ng mga babaing sumugat sa mga kamay nila upang lumitaw ang kawalang-sala ko bago ng paglabas mula sa bilangguan. Tunay na ang Panginoon ko, sa ginawa nila sa akin na pagtatangkang mang-akit, ay Maalam: walang nakakukubli sa Kanya na anuman doon."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba