Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi ito: “Ano ang katayuan ninyo nang nagtangka kayong mang-akit kay Jose sa sarili niya?” Nagsabi sila: “Kasakdalan ay ukol kay Allāh! Wala kaming nalaman sa kanya na isang kasagwaan.” Nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan: “Ngayon, nabunyag ang totoo; ako ay nagtangkang umakit sa kanya sa sarili niya, at tunay na siya ay talagang kabilang sa mga tapat.” (51)
Tafsīr
Nagsabi ang hari habang nakikipag-usap sa mga babae: "Ano ang pumapatungkol sa inyo nang humiling kayo kay Yusuf sa pamamagitan ng isang panlalalang upang gumawa siya ng mahalay sa inyo?" Nagsabi ang mga babae bilang sagot sa hari: "Malayo kay Allāh na si Yusuf ay maging pinaghihinalaan. Sumpa man kay Allāh, hindi kami nakaalam sa kanya ng anumang kasagwaan." Kaya sa sandaling iyon ay nagsabi ang maybahay ng Makapangyarihan habang umaamin sa ginawa nito: "Ngayon ay lumitaw ang katotohanan. Ako ay nagtangka na mang-akit sa kanya at hindi siya nagtangka na mang-akit sa akin. Tunay na siya ay kabilang sa mga tapat sa anumang inangkin niya na kawalang-sala niya sa ipinaratang ko sa kanya."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: