Surah Yūsuf (Jose — يوسف) (Talata 62)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




12 Yūsuf(يوسف), Talata 62

وَقَالَ لِفِتْيَانِهِ اجْعَلُوا بِضَاعَتَهُمْ فِي رِحَالِهِمْ لَعَلَّهُمْ يَعْرِفُونَهَا إِذَا انْقَلَبُوا إِلَىٰ أَهْلِهِمْ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ 62 ٦٢

Nagsabi siya sa mga alila niya: “Ilagay ninyo ang ipinambayad nila sa mga sisidlan nila, nang sa gayon sila ay makakikilala sa mga ito kapag nakauwi sila sa mag-anak nila, nang sa gayon sila ay babalik.” (62)

Tafsīr
Nagsabi si Jose sa mga manggagawa niya: "Isauli ninyo ang paninda [na ipinambayad] ng mga ito sa kanila upang malaman nila sa sandali ng pagkabalik nila na tayo ay hindi bumili ng mga ito mula sa kanila." Ito ay pipilit sa kanila sa pagbalik muli, na kasama nila ang kapatid nila, upang makapagpatunay sila kay Jose ng katapatan nila at tumanggap siya mula sa kanila ng paninda nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba