Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi siya: “O mga anak ko, huwag kayong magsipasok mula sa isang pinto. Magsipasok kayo mula sa mga pintong magkakaiba-iba. Wala akong maidudulot sa inyo laban kay Allāh na anuman. Walang iba ang paghahatol kundi ukol kay Allāh. Sa Kanya ako nanalig at sa Kanya ay manalig ang mga nananalig.” (67)
Tafsīr
Nagsabi sa kanila ang ama nila habang nagtatagubilin sa kanila: "Huwag kayong magsipasok sa Ehipto mula sa pintong nag-iisa na mga magkakasama, subalit magsipasok kayo mula sa mga pintong magkakaiba-iba sapagkat iyon ay higit na ligtas laban sa paglalahat sa inyo ng isa sa kapinsalaan kung nagnais ito niyon sa inyo. Hindi ako nagsasabi sa inyo niyon upang magtulak ako palayo sa inyo ng isang kapinsalaang ninais ni Allāh sa inyo at hindi upang magdulot ako para sa inyo ng isang kapakinabangang hindi ninais ni Allāh sapagkat ang pagtatadhana ay walang iba kundi ang pagtatadhana ni Allāh at ang pag-uutos ay walang iba kundi ang pag-uutos Niya. Sa Kanya lamang ako nanalig sa lahat ng mga nauukol sa akin at sa Kanya lamang ay manalig ang mga nananalig sa mga nauukol sa kanila."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: