Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi sila: “Tunay na ikaw ba ay talagang ikaw si Jose?” Nagsabi siya: “Ako si Jose at ito ay kapatid ko [na si Benjamin]. Nagmagandang-loob nga si Allāh sa amin. Tunay na ang sinumang mangingilag magkasala at magtitiis, tunay na si Allāh ay hindi nagwawala sa pabuya sa mga tagagagawa ng maganda.” (90)
Tafsīr
Nagulat sila at nagsabi sila: "Tunay na ikaw ba ay ikaw si Jose?" Nagsabi sa kanila si Jose: "Oo; ako si Jose at itong nakikita ninyo kasama ko ay ang kapatid kong buo. Nagmagandang-loob nga si Allāh sa amin sa pamamagitan ng pagpapalaya mula sa dating lagay namin at sa pamamagitan ng pag-aangat ng katayuan. Tunay na ang sinumang mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya, at magtitiis sa pagsubok, tunay na ang gawa niya ay bahagi ng paggawa ng maganda at si Allāh ay hindi magwawala sa pabuya sa mga tagagawa ng maganda, bagkus nangangalaga Siya nito para sa kanila."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: