Surah Ar-Ra‘d (Ang Kulog — الرعد) (Talata 18)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




13 Ar-Ra‘d(الرعد), Talata 18

لِلَّذِينَ اسْتَجَابُوا لِرَبِّهِمُ الْحُسْنَىٰ ۚ وَالَّذِينَ لَمْ يَسْتَجِيبُوا لَهُ لَوْ أَنَّ لَهُمْ مَا فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا وَمِثْلَهُ مَعَهُ لَافْتَدَوْا بِهِ ۚ أُولَٰئِكَ لَهُمْ سُوءُ الْحِسَابِ وَمَأْوَاهُمْ جَهَنَّمُ ۖ وَبِئْسَ الْمِهَادُ 18 ١٨

Ukol sa mga tumugon sa Panginoon nila ang pinakamaganda. Ang mga hindi tumugon sa Kanya, kahit pa man taglay nila ang anumang nasa lupa nang lahatan at tulad niyon kasama roon ay talagang ipantutubos nila ito. Ang mga iyon ay ukol sa kanila ang kasagwaan ng pagtutuos. Ang kanlungan nila ay ang Impiyerno. Kay saklap ang himlayan! (18)

Tafsīr
Ukol sa mga mananampalataya na tumugon sa Panginoon nila noong nag-anyaya Siya sa kanila sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagtalima sa Kanya ang gantimpalang pinakamaganda. Ito ay ang Paraiso. Ang mga tagatangging sumampalataya na hindi tumugon sa paanyaya Niya sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagtalima sa Kanya, kung sakaling nagkataon na taglay nila ang anumang nasa lupa na mga uri ng yaman at taglay pa nila ang tulad niyon bilang pagdaragdag doon, talagang magkakaloob sila ng lahat ng iyon bilang pantubos para sa mga sarili nila laban sa pagdurusa. Ang mga hindi tumugon na iyon sa paanyaya Niya ay tutuusin sa mga masagwang gawa nila sa kabuuan ng mga ito. Ang tahanan nilang kakanlungan nila ay Impiyerno. Kay sagwa ang higaan nila at ang tuluyan nila na siyang Apoy!

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba