Surah Ar-Ra‘d (Ang Kulog — الرعد) (Talata 22)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




13 Ar-Ra‘d(الرعد), Talata 22

وَالَّذِينَ صَبَرُوا ابْتِغَاءَ وَجْهِ رَبِّهِمْ وَأَقَامُوا الصَّلَاةَ وَأَنْفَقُوا مِمَّا رَزَقْنَاهُمْ سِرًّا وَعَلَانِيَةً وَيَدْرَءُونَ بِالْحَسَنَةِ السَّيِّئَةَ أُولَٰئِكَ لَهُمْ عُقْبَى الدَّارِ 22 ٢٢

Ang mga nagtiis dala ng paghahangad sa [ikalulugod ng] mukha ng Panginoon nila, nagpanatili ng pagdarasal, gumugol mula sa itinustos Namin sa kanila nang lihim at hayagan, at pumipigil sa pamamagitan ng magandang gawa sa masagwang gawa, ang mga iyon ay ukol sa kanila ang [magandang] pinakakahihinatnan sa tahanan: (22)

Tafsīr
Sila ay ang mga nagtiis sa pagtalima kay Allāh at sa itinakda ni Allāh sa kanila kabilang sa nagpapagalak o nagpapadalamhati, nagtiis sa paglayo sa pagsuway kay Allāh dahil sa paghahanap sa kaluguran ni Allāh, nagsagawa ng pagdarasal ayon sa pinakakumpletong anyo, nagkaloob mula sa mga yamang ibinigay Namin sa kanila ng mga tungkuling kinakailangan, nagkaloob mula sa mga ito dala ng pagkukusang-loob na pakubli para sa makalayo sa pagpapakitang-tao at lantaran upang tumulad sa kanila ang mga iba pa sa kanila, at pumipigil sa kasagwaan ng sinumang gumawa ng masagwa sa kanila sa pamamagitan ng paggawa ng maganda roon. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay ukol sa kanila ang kahihinatnang papupurihan sa Araw ng Pagbangon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba