Surah Ar-Ra‘d (Ang Kulog — الرعد) (Talata 33)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




13 Ar-Ra‘d(الرعد), Talata 33

أَفَمَنْ هُوَ قَائِمٌ عَلَىٰ كُلِّ نَفْسٍ بِمَا كَسَبَتْ ۗ وَجَعَلُوا لِلَّهِ شُرَكَاءَ قُلْ سَمُّوهُمْ ۚ أَمْ تُنَبِّئُونَهُ بِمَا لَا يَعْلَمُ فِي الْأَرْضِ أَمْ بِظَاهِرٍ مِنَ الْقَوْلِ ۗ بَلْ زُيِّنَ لِلَّذِينَ كَفَرُوا مَكْرُهُمْ وَصُدُّوا عَنِ السَّبِيلِ ۗ وَمَنْ يُضْلِلِ اللَّهُ فَمَا لَهُ مِنْ هَادٍ 33 ٣٣

Kaya Siya ba na isang tagapagpanatili sa bawat kaluluwa, [na mapagmasid] sa anumang nakamit nito, [ay higit na marapat sambahin]? Gumawa sila para kay Allāh ng mga katambal. Sabihin mo: “Pangalanan ninyo sila. O nagbabalita ba kayo sa Kanya hinggil sa hindi Niya nalalaman sa lupa o hinggil sa isang hayag mula sa sinabi?” Bagkus ipinaakit para sa mga tumangging sumampalataya ang pakana nila at sinagabalan sila palayo sa landas [na kapatnubayan]. Ang sinumang ililigaw ni Allāh ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagpatnubay. (33)

Tafsīr
Kaya ba ang sinumang siya ay isang tagapagpanatili sa pangangalaga sa mga panustos ng lahat ng nilikha, na mapagmasid sa bawat kaluluwa sa anumang nakamit nito na gawa para gumanti siya rito sa mga gawa nito ay higit na karapat-dapat sambahin o ang mga anitong ito na walang karapatang ukol sa mga ito na sambahin? Gumawa nga sa mga ito ang mga tagatangging sumampalataya bilang mga katambal para kay Allāh dala ng kawalang-katarungan at kabulaanan. Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Pangalanan ninyo sa amin ang mga katambal na sinamba ninyo kasama kay Allāh kung kayo ay naging mga tapat sa pag-aangkin ninyo. O nagpapabatid ba kayo kay Allāh hinggil sa hindi Niya nalalaman sa lupa na mga katambal o nagpapabatid kayo hinggil sa hayag mula sa sinabi, na walang reyalidad dito?" Bagkus pinaganda ng demonyo para sa mga tumangging sumampalataya ang pagpaplano nilang masagwa. Kaya tumanggi silang sumampalataya kay Allāh at naglihis Siya sa kanila palayo sa daan ng katinuan at kapatnubayan. Ang sinumang ililigaw ni Allāh palayo sa landas ng katinuan ay walang ukol sa kanya na anumang tagapagpatnubay na papatnubay sa kanya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba