Surah Ar-Ra‘d (Ang Kulog — الرعد) (Talata 34)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




13 Ar-Ra‘d(الرعد), Talata 34

لَهُمْ عَذَابٌ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَلَعَذَابُ الْآخِرَةِ أَشَقُّ ۖ وَمَا لَهُمْ مِنَ اللَّهِ مِنْ وَاقٍ 34 ٣٤

Ukol sa kanila ay isang pagdurusa sa buhay na pangmundo at talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay ay higit na mahirap. Walang ukol sa kanila laban kay Allāh na anumang tagasangga. (34)

Tafsīr
Ukol sa kanila ay isang pagdurusa sa buhay na pangmundo sa pamamagitan ng sumasapit sa kanila na pagkapatay at pagkabihag sa mga kamay ng mga mananampalataya. Talagang ang pagdurusa sa Kabilang-buhay na naghihintay sa kanila ay higit na matindi at higit na mabigat kaysa sa pagdurusa sa Mundo dahil sa taglay nito na katindihan at pamamalaging hindi napuputol. Walang ukol sa kanila na tagapigil na magsasanggalang sa kanila laban sa pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba