Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Siya ang bumanat ng lupa at naglagay rito ng mga matatag na bundok at mga ilog. Mula sa lahat ng mga bunga ay gumawa Siya sa mga ito ng dalawang magkapares. Nagbabalot Siya ng gabi sa maghapon. Tunay na sa gayon ay talagang may mga tanda para sa mga taong nag-iisip-isip. (3)
Tafsīr
Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ang naglatag ng lupa, lumikha rito ng mga bundok na matatatag upang hindi bumulabog sa mga tao, gumawa rito ng mga ilog ng tubig upang magpainom ang mga ito sa mga tao, mga hayop nila, at mga pananim nila. Mula sa lahat ng mga uri ng mga bunga ay gumawa Siya sa mga ito ng dalawang kaurian gaya ng lalaki at babae sa hayop. Nagtatakip Siya ng gabi sa maghapon kaya ito ay nagiging madilim matapos na ito dati ay nagbibigay-liwanag. Tunay na sa nabanggit na iyon ay talagang may mga patunay at mga patotoo para sa mga taong nag-iisip-isip sa pagkakayari ni Allāh at nagmumuni-muni rito sapagkat sila ay nakikinabang sa mga patunay at mga patotoong iyon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: