Surah Ibrāhīm (Abraham — إبراهيم) (Talata 22)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




14 Ibrāhīm(إبراهيم), Talata 22

وَقَالَ الشَّيْطَانُ لَمَّا قُضِيَ الْأَمْرُ إِنَّ اللَّهَ وَعَدَكُمْ وَعْدَ الْحَقِّ وَوَعَدْتُكُمْ فَأَخْلَفْتُكُمْ ۖ وَمَا كَانَ لِيَ عَلَيْكُمْ مِنْ سُلْطَانٍ إِلَّا أَنْ دَعَوْتُكُمْ فَاسْتَجَبْتُمْ لِي ۖ فَلَا تَلُومُونِي وَلُومُوا أَنْفُسَكُمْ ۖ مَا أَنَا بِمُصْرِخِكُمْ وَمَا أَنْتُمْ بِمُصْرِخِيَّ ۖ إِنِّي كَفَرْتُ بِمَا أَشْرَكْتُمُونِ مِنْ قَبْلُ ۗ إِنَّ الظَّالِمِينَ لَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ 22 ٢٢

Magsasabi ang demonyo kapag tinapos ang pasya: “Tunay na si Allāh ay nangako sa inyo ng pangako ng katotohanan, at nangako ako sa inyo ngunit sumira ako sa inyo. Hindi ako nagkaroon sa inyo ng anumang kapamahalaan maliban na nag-anyaya ako sa inyo saka tumugon naman kayo sa akin. Kaya huwag kayong manisi sa akin. Sisihin ninyo ang mga sarili ninyo. Hindi ako makasasalba sa inyo at hindi kayo makasasalba sa akin. Tunay na ako ay nagkaila sa pagtambal ninyo sa akin [kay Allāh] bago pa niyan.” Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan, ukol sa kanila ay isang pagdurusang masakit. (22)

Tafsīr
Magsasabi si Satanas kapag pumasok na ang mga maninirahan sa Paraiso sa Paraiso at ang mga maninirahan sa Apoy sa Apoy: "Tunay na si Allāh ay nangako sa inyo ng pangakong totoo saka nagsakatuparan Siya sa inyo ng ipinangako Niya sa inyo. Nangako ako sa inyo ng pangako ng kabulaanan saka hindi ako tumupad sa ipinangako ko sa inyo. Hindi ako nagkaroon ng anumang lakas na ipampipilit ko sa inyo sa Mundo sa kawalang-pananampalataya at pagkaligaw subalit nag-anyaya ako sa inyo tungo sa kawalang-pananampalataya. Ipinaakit ko sa inyo ang mga pagsuway saka nagmabilis naman kayo sa pagsunod sa akin. Kaya huwag ninyo akong sisihin sa nangyari sa inyo na pagkaligaw. Sisihin ninyo ang mga sarili ninyo sapagkat ang mga ito ay higit na nararapat sa paninisi. Hindi ako makasasaklolo sa inyo sa pagtulak ng pagdurusa palayo sa inyo at hindi kayo makasasaklolo sa akin sa pagtulak nito palayo sa akin. Tunay na ako ay nagkaila sa paggawa ninyo sa akin bilang katambal kay Allāh sa pagsamba." Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pagtambal kay Allāh sa Mundo at kawalang-pananampalataya sa Kanya, ukol sa kanila ay isang pagdurusang nakasasakit na naghihintay sa kanila sa Araw ng Pagbangon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba