Surah Ibrāhīm (Abraham — إبراهيم) (Talata 7)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




14 Ibrāhīm(إبراهيم), Talata 7

وَإِذْ تَأَذَّنَ رَبُّكُمْ لَئِنْ شَكَرْتُمْ لَأَزِيدَنَّكُمْ ۖ وَلَئِنْ كَفَرْتُمْ إِنَّ عَذَابِي لَشَدِيدٌ 7 ٧

[Banggitin] noong nagpahayag ang Panginoon ninyo: “Talagang kung nagpasalamat kayo ay talagang magdaragdag nga Ako sa inyo; at talagang kung nagkakaila kayo, tunay na ang pagdurusang dulo Ko ay talagang matindi.” (7)

Tafsīr
Nagsabi sa kanila si Moises: "Alalahanin ninyo nang ipinaalam sa inyo ng Panginoon ninyo ayon sa pagpapaalam na nanunuot: "Talagang kung nagpasalamat kayo kay Allāh sa ibiniyaya Niya sa inyo mula sa mga nabanggit na biyayang iyon ay talagang magdaragdag nga Siya sa inyo sa mga ito mula sa pagpapala Niya at kagandahang-loob Niya; at talagang kung nagkaila kayo sa mga biyaya Niya sa inyo at hindi kayo nagpasalamat sa mga ito, tunay na ang pagdurusang dulot Niya ay talagang matindi para sa sinumang nagkakaila sa mga biyaya Niya at hindi nagpapasalamat sa mga ito."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba