Surah Ibrāhīm (Abraham — إبراهيم) (Talata 8)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




14 Ibrāhīm(إبراهيم), Talata 8

وَقَالَ مُوسَىٰ إِنْ تَكْفُرُوا أَنْتُمْ وَمَنْ فِي الْأَرْضِ جَمِيعًا فَإِنَّ اللَّهَ لَغَنِيٌّ حَمِيدٌ 8 ٨

Nagsabi si Moises: “Kung tatanggi kayong sumampalataya, kayo at ang sinumang nasa lupa nang lahatan, tunay na si Allāh ay talagang Walang-pangangailangan, Kapuri-puri.” (8)

Tafsīr
Nagsabi si Moises sa mga tao niya: "O mga tao ko, kung tatanggi kayong sumampalataya at tatanggi kasama sa inyo ang lahat ng sinumang nasa lupa, ang kapinsalaan ng kawalang-pananampalataya ninyo ay manunumbalik sa inyo sapagkat tunay na si Allāh sa sarili Niya ay Walang-pangangailangan, nag-oobliga ng papuri sa sarili Niya. Hindi nagpapakinabang sa Kanya ang pananampalataya ng mga mananampalataya at hindi nakapipinsala sa Kanya ang kawalang-pananampalataya ng mga tagatangging sumampalataya."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba