Surah Ibrāhīm (Abraham — إبراهيم) (Talata 9)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




14 Ibrāhīm(إبراهيم), Talata 9

أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَبَأُ الَّذِينَ مِنْ قَبْلِكُمْ قَوْمِ نُوحٍ وَعَادٍ وَثَمُودَ ۛ وَالَّذِينَ مِنْ بَعْدِهِمْ ۛ لَا يَعْلَمُهُمْ إِلَّا اللَّهُ ۚ جَاءَتْهُمْ رُسُلُهُمْ بِالْبَيِّنَاتِ فَرَدُّوا أَيْدِيَهُمْ فِي أَفْوَاهِهِمْ وَقَالُوا إِنَّا كَفَرْنَا بِمَا أُرْسِلْتُمْ بِهِ وَإِنَّا لَفِي شَكٍّ مِمَّا تَدْعُونَنَا إِلَيْهِ مُرِيبٍ 9 ٩

Hindi ba pumunta sa inyo ang balita ng mga bago pa ninyo, na mga tao ni Noe, ng [liping] `Ād, at [liping] Thamūd, at ng mga matapos na nila? Walang nakaaalam sa kanila kundi si Allāh. Naghatid sa kanila ang mga sugo nila [mula kay Allāh] ng mga malinaw patunay, ngunit nagtulak sila ng mga kamay nila sa mga bibig nila at nagsabi sila: “Tunay na kami ay tumangging sumampalataya sa ipinasugo sa inyo at tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududang tagapagpaalinlangan sa inaanyaya ninyo sa amin.” (9)

Tafsīr
Hindi ba dumating sa inyo, O mga tagatangging sumampalataya, ang ulat ng pagpapahamak sa mga kalipunang tagapagpasinungaling kabilang sa bago pa ninyo, na mga tao ni Noe, [liping] `Ād na mga tao ni Hūd, [liping] Thamūd na mga kalipi ni Ṣāliḥ, at mga kalipunan na dumating nang matapos nila. Sila ay marami; walang nakabibilang sa bilang nila kundi si Allāh. Nagdala sa kanila ang mga sugo nila ng mga patunay na maliwanag at naglagay naman sila ng mga kamay nila sa mga bibig nila, habang mga kumakagat sa mga daliri nila dahil sa ngitngit sa mga sugo. Nagsabi sila sa mga sugo nila: "Tunay na kami ay tumangging sumampalataya sa ipinasugo sa inyo at tunay na kami ay talagang nasa isang pagdududang nag-uudyok sa pag-aalinlangan sa inaanyaya ninyo sa amin."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba