Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 101)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 101

وَإِذَا بَدَّلْنَا آيَةً مَكَانَ آيَةٍ ۙ وَاللَّهُ أَعْلَمُ بِمَا يُنَزِّلُ قَالُوا إِنَّمَا أَنْتَ مُفْتَرٍ ۚ بَلْ أَكْثَرُهُمْ لَا يَعْلَمُونَ 101 ١٠١

Kapag nagpalit ng isang talata sa halip ng isang talata – at si Allāh ay higit na maalam sa ibinababa Niya – ay nagsasabi sila: “Ikaw ay isang gumagawa-gawa lamang.” Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam. (101)

Tafsīr
Kapag nagpawalang-bisa si Allāh sa kahatulan ng isang talata mula sa Qur'ān sa pamamagitan ng isa pang talata – at si Allāh ay higit na nakaaalam sa pinawawalang-bisa Niya mula sa Qur'ān dahil sa isang kasanhian at Maalam sa hindi Niya pinawalang-bisa mula rito – ay nagsasabi sila: "Ikaw, O Muḥammad, ay isang sinungaling na lumilikha-likha [ng kasinungalingan] lamang hinggil kay Allāh." Bagkus ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam na ang pagpapawalang-bisa ay nangyayari lamang dahil sa isang kasanhiang pandiyos na malalim.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba