Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Huwag kayong magsabi ukol sa anumang naglalarawan ang mga dila ninyo ng kasinungalingan: “Ito ay ipinahihintulot at ito ay ipinagbabawal,” upang gumawa-gawa kayo laban kay Allāh ng kasinungalingan. Tunay na ang mga gumagawa-gawa laban kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatagumpay. (116)
Tafsīr
Huwag kayong magsabi, O mga tagapagtambal, ukol sa anumang naglalarawan ang mga dila ninyo ng kasinungalingan laban kay Allāh: "Ang bagay na ito ay ipinahihintulot at ang bagay na iyan ay ipinagbabawal," sa layunin na lumikha-likha kayo laban kay Allāh ng kasinungalingan sa pamamagitan ng pagbabawal sa hindi Niya ipinagbawal at pagpapahintulot sa hindi Niya ipinahintulot. Tunay na ang mga lumilikha-likha laban kay Allāh ng kasinungalingan ay hindi magtatamo ng hinihiling at hindi maliligtas mula sa pinangingilabutan.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: