Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 120)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 120

إِنَّ إِبْرَاهِيمَ كَانَ أُمَّةً قَانِتًا لِلَّهِ حَنِيفًا وَلَمْ يَكُ مِنَ الْمُشْرِكِينَ 120 ١٢٠

Tunay na si Abraham noon ay isang kalipunan na masunurin kay Allāh bilang makatotoo – at hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga tagapagtambal – (120)

Tafsīr
Tunay na si Abraham noon – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – ay isang tagapagbuklod ng mga katangian ng kabutihan, na nagpapamalagi sa pagtalima sa Panginoon niya, na nakakiling palayo sa mga relihiyon sa kabuuan ng mga ito patungo sa Islām. Hindi nangyaring siya ay kabilang sa mga tagapagtambal kailanman.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba