Surah An-Naḥl (Ang Bubuyog — النحل) (Talata 125)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




16 An-Naḥl(النحل), Talata 125

ادْعُ إِلَىٰ سَبِيلِ رَبِّكَ بِالْحِكْمَةِ وَالْمَوْعِظَةِ الْحَسَنَةِ ۖ وَجَادِلْهُمْ بِالَّتِي هِيَ أَحْسَنُ ۚ إِنَّ رَبَّكَ هُوَ أَعْلَمُ بِمَنْ ضَلَّ عَنْ سَبِيلِهِ ۖ وَهُوَ أَعْلَمُ بِالْمُهْتَدِينَ 125 ١٢٥

Mag-anyaya ka tungo sa landas ng Panginoon mo sa pamamagitan ng karunungan at pangaral na maganda, at makipagtalo ka sa kanila ayon sa siyang pinakamaganda. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naligaw palayo sa landas Niya. Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan. (125)

Tafsīr
Mag-anyaya ka, O Sugo, tungo sa relihiyong Islām, ikaw at ang sinumang sumunod sa iyo kabilang sa mga mananampalataya ayon sa hinihiling ng kalagayan ng inaanyayahan, pagkaintindi nito, at pagpapaakay nito at sa pamamagitan ng payong sumasaklaw sa pagpapaibig at pagpapangilabot. Makipagtalo ka sa kanila ayon sa paraang siyang pinakamaganda sa salita, sa isip, at sa paghuhubog. Hindi kailangan sa iyo ang magpatnubay sa mga tao; kailangan lamang sa iyo ang pagpapaabot sa kanila. Tunay na ang Panginoon mo ay higit na maalam sa sinumang naligaw palayo sa relihiyon ng Islām. Siya ay higit na maalam sa mga napatnubayan patungo sa Kanya, kaya huwag masawi ang sarili mo dahil sa kanila sa panghihinayang.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba